Mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Negros Island Region nagsagawa ng CFO Conference

Makasaysayan ang kauna-unahang Negros Island Region Christian Family Organization Conference ng Iglesia Ni Cristo na ang kanilang Guest Speaker ay si Bro. Charmil Castro, ministrong kinatawan mula sa Central Office ng INC. Ang host ng nasabing aktibidad ay ang Eclesiastical District ng Negros Occidental. Isinagawa ito noong July 2,2016 alas 10:00 ng umaga.

Dinaluhan ng mahigit sa isang libong miyembro ng INC na mula iba’t ibang Distrito ng Negros Region;

  • Distrito ng Negros Oriental
  • Distrito ng Negros Norte
  • Distrito ng Negros Sur
  • Distrito Negros Occidental

Ang isinagawang aktibidad ay pinangunahan ng mga Ministro ng INC sa nasabing distrito na nangangasiwa sa Christian Family Organization. Tinalakay sa Pulong-Seminar ang ukol sa mga aktibidad ng Iglesia ni Cristo at ang patuloy na pakikiisa ng bawat miyembro nito. Nagbunga naman ng ibayong kasiglahan sa mga opiyales ng Christian Family Organization na nakadalo sa nasabing seminar. Pagkatapos ng aktibidad ay sama sama silang lahat sa masayang salosalo.

(Eagle News Jupiter Mesajon – Negros Occidental Correspondent)

Related Post

This website uses cookies.