Mga gulay at bigas, ipinamahagi sa San Fernando, Camarines Sur

 

Ni Mhike Gravito
Eagle New Service

(Eagle News) – Upang matiyak na hindi magugutom at mamamalaging malusog ang kanilang mga mamamayan sa bayan ng San Fernando, sa lalawigan ng Camarines Sur sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine kaugnay ng kinatatakutang COVID-19, patuloy na namamahagi ng pagkain ang lokal na pamahalaan ng nasabing bayan sa mga bara-barangay sa kanilang lugar.

Una ng namahagi ang ilang mga barangay sa kanilang mga residente ng tig-isang kilong karne sa mga bahay-bahay, at kasunod nito ay mga gulay at bigas naman ang ipinamigay ng barangay local government unit.

Sa direktiba ng alkalde sa mga kapitan sa kanilang bayan, sa halip na mamahagi ng mga de-lata at noodles, ay pinag-utos nito na bilhin ang mga alagang baboy at mga tanim na gulay ng kanilang residente sa tamang halaga at iyon na lamang ang ipamahagi sa kanilang mga kababayan.

Mababakas naman sa mukha ng mga tumanggap ng biyaya ang malaking kagalakan dahil sa hindi umano sila pinababayaan ng kanilang mga namumuno sa kanilang lugar, bagama’t lahat halos ay apektado at nangangamba rin sa kanilang kalusugan dahil sa malaganap ngayon na coronvirus disease

Related Post

This website uses cookies.