Meteor shower, magaganap ngayong weekend

(Eagle News) — Isang astronomical phenomenon ang dapat antabayanan ngayong weekend.

Ito ay dahil sa taunang quadrantid meteor shower na nagsimula kaninang madaling araw hanggang sa Lunes, Enero 7.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan ang nasa 40 ‘shooting stars’ kada-oras sa kalangitan.

Dagdag ng PAGASA, mapapanood ang mga meteor mula hatingggabi hanggang madaling araw.

Samantala, isa pang phenomenon ang magandang pagmasdan kapag madilim na ang kalangitan.

Ito ang conjunction ng Mercury, Venus, at Jupiter ngayong Enero.

Mas malapit din ngayon ang Venus sa timog ng crescent moon.

Mapapansin din sa kalangitan, partikular sa kanluran-hilagang kanlurang horizon ang mga planetang Mars, Uranus, at Neptune.

Related Post

This website uses cookies.