Medical Mission ng Iglesia ni Cristo sa Barangay Dalupirip, Itogon, Benguet, matagumpay na naisagawa

ITOGON, Benguet (Eagle News) — Matagumpay na naisagawa ng Iglesia Ni Cristo ang Medical Mission sa Barangay Dalupirip, Bayan ng Itogon. May kalayuan man ito ay sinikap ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na makarating sa nasabing dako.

Marami sa nasabing Barangay ang nabiyayaan ng serbisyong dental, libreng check-up at libreng gamot. Namahagi rin ng goodie bags sa ating mga kababayan. Ngunit ang pinakatampok sa nasabing aktibidad ay ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos  na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo sa pangunguna ni Bro. Robert G. Sicat, District Supervising Minister ng Benguet.

(Eagle News, Ceasar Layao Benguet Correspondent)

Related Post

This website uses cookies.