Medical at dental mission sa San Jose, Occidental Mindoro matagumpay na naisagawa

SAN JOSE, Occidental Mindoro (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang medical at dental mission sa Barangay Camburay Covered Court sa Bayan ng San Jose, Occidental Mindoro.

Ang nasabing programa ay may temang “All for Health Towards Health for All” isa ito sa mga health agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinangunahan ni Dr. Enid Asuncion at Dr. Lawrence Cyril Vitaz kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay para sa lahat ng miyembro ng 4 P’s

Layunin ng medical at dental check up na mabantayan ang kalusugan ng mga mamamayang Pilipino na walang kakayahan na magpatingin sa manggagamot. Mamahagi rin sila ng libreng gamot sa mga mamamayan.

Courtesy: Erick Gonzales at September Luz

Related Post

This website uses cookies.