Matobato nais ipalipat ang kaso sa Manila dahil takot mamatay sa Davao

DAVAO CITY (Eagle News) – Inihayag ni Atty. Jude Josue Sabio, ang bagong abogado ng nagpakilalang Davao Death Squad (DDS) member na si Edgar Matobato na nais umano nitong mailipat ang kaniyang kaso sa Manila.

Ayon kay Atty. Sabio, apektado umano ang sikolohikal na pag-iisip ni Matobato dahil sa takot na posible itong mapahamak kung nasa Davao ito. Kanila umanong pinag-aaralan ngayon na ipalipat ang kaso ni Matobato sa Manila dahil sa risk of security nito.

Ikinatakot din umano nito na baka mapatay siya dahil sa pahayag ng mga pulisya sa Davao na kung manlaban man si Matobato ay wala na silang magagawa.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

Related Post

This website uses cookies.