Matataas na kalibre ng baril, nabawi ng AFP sa Quirino

(Eagle News) — Nasamsam sa isinagawang joint search and recovery operation sa kampo ng mga rebeldeng komunista ang ilang matataas na kalibre ng armas, assorted ammunition, mga police at military uniform sa Quirino Province kamakailan.

Kabilang sa mga nasabat ng otoridad sa Sitio Kalbo, Barangay Disimungal, Nagtipunan, Quirino ang dalawang M-14 rifles, apat na M-16 rifles, isang upper receiver M-16 rifle, isang M-653 o baby armalite at ammunition.

Maging ang labinlimang pares ng PNP uniform at labing apat na pares ng combat boots.

Natagpuan din ng 86th Infantry Battalion ang temporary camp ng mga rebelde sa Sitio Pulang Lupa, Nagtipunan, Quirino.

Samantala, tatlong rebelde naman ang sumuko kay Brig. Gen. Alan Arrojado ng Joint Task Force-National Capital Region.

Related Post

This website uses cookies.