Mas mahigpit na seguridad sa Davao City pinatutupad para sa ASEAN meetings

(Eagle News) — Mas mahigpit na seguridad ang pinaiiral ngayon sa Davao City para sa 23rd ASEAN meetings.

Kaugnay nito, umapila naman si Region 11 Police Director Manuel Gaerlan, sa publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad na makipag-ugnayan sakaling may mga makitang iregularidad at kakaiba sa paligid.

Inaasahang aabot sa mahigit isang daang foreign at local delegates ang magtutungo ngayon sa lungsod para sa ASEAN meetings.

Simula kahapon, nasa humigit kumulang isang libo at limang daang pulis at militar ang nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng lungsod at tatagal na ito hanggang sa February 22.

Related Post

This website uses cookies.