Manila Zoo, pansamantalang isasara simula ngayong araw, Enero 23

(Eagle News) — Ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang pansamantalang closure ng Manila Zoo simula ngayong araw, Enero 23 matapos na matukoy na isa ito sa mga pangunahing nakapagdudulot ng polusyon sa Manila Bay.

Sa memorandum na may petsang Enero 21, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na major pollutant ang Manila Bay dahil naglalabas ito ng untreated wastewater.

Inatasan din ang Department of Engineering and Public Works at ang Department of Public Services na magsumite ng programa para sa programa ng pagpapatayo ng water treatment facilities para sa Manila Zoo.
Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Maynila na buo ang suporta nito sa hakbang ng gobyerno na isalang sa rehabilitasyon ang Manila Bay.

Related Post

This website uses cookies.