Mall sa Bataan, mahigit sa 30 oras nang nasusunog

(Eagle News) — Lalong lumakas ang apoy at kumapal ang usok na lumalabas sa istruktura ng nasusunog na Victoria Galleria Mall sa siyudad ng Balanga, Bataan.

Kung kahapon ay nakikita pa ang harap ng mall ngayon ay halos hindi na ito makita dahil sa kapal ng usok.

Patuloy naman ang pagaapula ng mga firefighter ng Bureau of Fire Protection Bataan at BFP-Central Luzon sa pagtuloy na paglagabgab ng apoy sa
nasabing establisyemento.

Samantala, nagsilikas na ang mga katabing mga tindahan sa lugar.

Hindi naman pinadaraanan sa tao at pampublikong sasakyan ang gilid ng mall upang walang maging anumang sakuna.

Nasa mahigit sa 30 oras nang nasusunog ang nasabing gusali na nagsimula kahapon, Mayo 1 bandang 9:00 ng umaga.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa nasabing insidente. Patuloy namang inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng sunog.

(Photos and details by Eagle News Service Josie Martinez)

Related Post

This website uses cookies.