Malaking bahagi ng bansa, patuloy na makakaranas ng pag-ulan

Photo courtesy of http://bagong.pagasa.dost.gov.ph/

(Eagle News) — Sa ating ulat panahon, inaasahang magiging maulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ang nararanasang mga pag-ulan ay dahil sa low pressure area na namataan sa layong 80 kilometers hilagang-kanluran ng Cuyo, Palawan.

Mababa pa rin ang tyansa na magiging bagong bagyo ito at inaasahan nang lalabas ng bansa bukas.

Nararanasan naman ang northeast monsoon o amihan sa buong Luzon.

Ngayong araw, maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang mararanasan sa northern Luzon at central Luzon kasama na ang Metro Manila.

Kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat naman ang mararanasan sa Bicol Region, Mimaropa, buong Visayas, Caraga at Davao region dahil sa lpa na nasa loob ng bansa.

Samantala, binabantayan din ng PAGASA ang isa pang LPA na namataan sa layong 1,515 kilometers silangan ng Mindanao at posibleng pumasok ng bansa bukas at may tyansang maging bagyo.

Dahil sa amihan, nakataas ang gale warning sa northern seaboard ng extreme northern Luzon kung saan posibleng umabot sa limang metro ang mga alon.

Related Post

This website uses cookies.