(Eagle News) – Agad naman nagpaabot na ng pakikiramay ang Malacañang sa mga naulilang pamilya ni Jakatia Pawa makaraang mabitay ito sa Kuwait, kahapon Enero 25.
Sa statement na inilabas ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ikinalulungkot ng Palasyo ang balita matapos na kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na natuloy ang pagbitay kay Pawa.