Mahigit 8 oras na power interruption mararanasan sa Llanera at ilang bahagi ng Gen. Natividad

Magkakaroon ng mahigit na walong oras na power interruption ngayong Huwebes, Marso 1 sa bayan Llanera at ilang bahagi ng Gen. Natividad sa Nueva Ecija.

Ang nasabing abiso ay ipinaabot ng pangasiwaan ng Nueva Ecija II Electric Cooperative, Inc. Area 2 (NEECO II AREA2 ).

Ang power interruption ay magsisimula ng 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Apektado ng nasabing power interruption ang Bayan ng Llanera, Brgy. Mataas na Kahoy at ilang bahagi ng Manarog at Balangkare, Gen. Natividad.

Ang dahilan ng pansamantalang pagkawala ng supply ng kuryente ay upang bigyang daan ang isasagawang retrieving ng salvage utility poles mula sa Mataas na Kahoy, Gen. Natividad hanggang Luna, Llanera.

Related Post

This website uses cookies.