Mahigit 6,000 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong “Vinta”

(Eagle News) — Umabot sa 6517 na pasahero ang stranded sa iba’t-ibang pantalan dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong ‘Vinta.’

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), pinakamaraming hindi nakabiyaheng pasahero ay mula sa mga pantalan ng Cebu at Tagbilaran sa Central Visayas na may kabuuang bilang na 2,465.

Halos 2,000 naman ang stranded na pasahero sa mga pier sa Northern Mindanao, partikular na sa Surigao, Cagayan de Oro, Osamis at Dapitan.

Kabuuang 1,500 naman ang stranded sa Manila North Harbor, 734 sa mga pantalan sa Eastern Visayas at mahigit na 200 naman sa Western Visayas.

Samantala, hindi naman pinayagang makapaglayag ang nasa 400 rolling cargo, 100 barko at 20 motor banca.

(Eagle News Service Moira Encina)

Related Post

This website uses cookies.