Mag-asawang Gomez, namahagi ng 3,226 sets ng school supplies

ORMOC City, Leyte (Eagle News) – Namahagi noong Martes, Agosto 30 sina Congresswoman Lucy T. Gomez ng 4th District ng Leyte at Mayor Richard I. Gomez ng Ormoc City ng 2,821 sets ng mga school supplies sa lahat ng grade level ng Ormoc City Central School at 415 sets naman sa Ormoc City SPED Center. Ang nasabing school supplies ay kagandahang loob ng National Bookstore.

Bakas na bakas ang kaligayahan sa mga batang nabigyan ng nasabing school supplies. Taos-puso silang nagpapasalamat sa donors nito at maging sa mag-asawang Gomez na buong tiyagang naghahanap ng paraan para may maitutulong sa kapakanan ng mga mamamayan na kanilang nasasakupan.

Samantala, pormal na ring na-i-turn over ni Cong. Lucy Gomez sa Ormoc City Sport’s Senior High School ang isang bagong 2-storey building na binubuo ng anim na silid aralan.

Courtesy: Kimberly Urboda – Ormoc City, Leyte Correpondent

Related Post

This website uses cookies.