Mabigat na daloy ng trapiko, asahan sa road reblocking at repair sa QC

(Eagle News) — Pinapayuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta dahil sa posibleng mabagal na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Quezon City.

Ito ay bunga ng reblocking at repair na isinasagawa ng DPWH sa mga sumusunod:

  1. EDSA mula Mother Ignacia Street hanggang Scout Borromeo Street
  2. Commonwealth Avenue mula Don Antonio Drive hanggang Zuzuaregui Street
  3. at P. Garcia Street mula E. Roces Avenue hanggang F. Florentino.

Ayon pa sa naturang ahensya, nagsimula ang naturang pagsasaaayos ng kalsada alas-10 kagabi, Marso 18, at magtatapos naman sa Lunes, Marso 21, alas-singko naman ng umaga.

Related Post

This website uses cookies.