Maaliwalas na panahon naramdaman na ng Abra pagkatapos ng bagyong “Ferdie”

BANGUED, Abra (Eagle News) – Maaliwalas na ulit ang panahon sa lalawigan ng Abra pagkatapos lumabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Ferdie. Wala namang naiulat na casualties bunga ng nagdaang bagyo.

Masigla na ulit ang kalakalan sa Bangued, Abra. May pasok na rin ulit sa lahat ng level ng paaralan sa lalawigan mula pre-school hanggang college.

Hindi rin nakaapekto ang nagdaang bagyo sa halaga ng mga bilihin. Hindi rin tumaas ang langis at namamalagi pa rin dating presyo.

Courtesy: Roger Vargas

 

This website uses cookies.