Lingap sa Mamamayan, isinagawa sa isla ng Tintinan, Ubay, Bohol

UBAY, Bohol (Eagle News) – Nakipagkaisa rin ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Bohol sa isinagawang Worldwide Lingap sa Mamamayan ngayong araw, Oktubre 29. Isinagawa nila ito sa isla ng Tintinan, Ubay, Bohol.

Maaga pa lamang ay naglakbay pa ng ilang oras ang mga kaanib nito na mula pa sa iba’t ibang bayan at sumakay pa ng mga bangka upang makatawid sa nasabing isla ng Barangay Tintinan. Mahigit isang libong mga residente ng isla ang mahahandugan ng free medical at dental services sa tulong ng mga volunteers. Bukod dito ay bibigyan din sila ng mga goodie bags.

Alibeth Rosales, Eagle News Correspondent

 

Related Post

This website uses cookies.