Lingap sa Mamamayan isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Agusan del Norte para sa mga kababayang Muslim

BUTUAN CITY, Agusan del Norte (Eagle News) – Lubos na nagpapasalamat ang ating mga kababayang Muslim sa Barangay New Society, Butuan City, Agusan Del Norte sa isinagawang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa kanilang lugar.
Nasa 600 na pamilya ang nabigyan ng tulong ng INC sa nasabing barangay. Labis naman ang pasasalamat ni Barangay Captain Marco Emam at ng iba pang Barangay Officials dahil sa tulong na ibinigay sa kanila. Masaya rin ang mga residente na nakatanggap ng goody bags.
Sa kabuuan ay naging matagumpay ang nasabing aktibidad na pinangunahan ni Bro. Tito M. Maghuyop, District Supervising Minister kasama ang iba pang mga ministro at kanilang mga asawa.
Courtesy: Marco Ocon – Butuan City Correspondent

Related Post

This website uses cookies.