Libreng sakay sa LRT 1 para sa mga Senior Citizens at PWDs hanggang Enero 8

MANILA, Philippines (Eagle News) –Mag-aalok ng libreng sakay ang LRT 1 para sa mga Senior Citizens at Persons With Disabilities (PWD) tuwing week-ends at holidays hanggang Enero 8,2017.

Ayon sa Customer Relations ng LRT, libre rin ang dalawang (2) kamag-anak na kasama ng senior citizens at PWDs, subalit dapat ay mga beep card holders.

Gayunman ay maaari pa ring makasakay ng libre ang mga walang beep cards basta mag-apply lang sa teller’s booth at magpakita ng claim stub.

Extended rin ang operating hours ng LRT 1 sa holiday season kung saan ang huling biyahe ay hanggang alas-onse (11:00) ng gabi kapag week-days at alas-diyes y media (10:30) naman ng gabi kung week-ends at holidays.

Related Post

This website uses cookies.