Lalawigan ng Quirino, lubos na ang ginagawang paghahanda sa maaaring pananalasa ng bagyong “Ompong”

Ni Rustie Lorenzo
Eagle News Service

(Eagle News) — Handa na ang mga sangay ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Quirino sa maaaring pananalasa ng bagyong Ompong.

May mga relief good na ring ibinigay sa bawat bayan na dadalhin sa mga evacuation center sa bawat barangay. Maging ang mga rescue equipment ay handa na rin katulad ng chainsaw, rescue boat, drone at iba pang mga gamit sa retrieval operation.

Alam na rin ng mga mamamayan kung sinu-sino sa kanilang barangay ang maaari nilang lapitan o tawagan sa mga emergency case dahil kahapon pa ay pinulong na sila ng kanilang mga punong bayan at mga punong barangay.

Sa ngayon ay may 29 na pamilya na ang nasa evacuation center partikular sa Barangay Diduyon ng bayan ng Maddela, Quirino dahil may mga pagbuhos na ng ulan sa nasabing bayan.

Related Post

This website uses cookies.