Lalawigan ng Aurora, dinarayo ng mga bakasyunista

AURORA, Baler (Eagle News) — Kilala ang bayan ng Baler bilang surfing capital ng bansa bunsod ng naglalakihang alon mula sa dagat Pasipiko.

Ngunit hindi lang Baler ang may itinatagong ganda na maaaring puntahan ng mga turista sa lalawigan ng Aurora.

Nariyan ang bayan ng Casiguran—bagamat simple at payak ang pamumuhay ng mga tao rito hindi maikakaila ang ganda ng kanilang beach na matatagpuan sa Aurora Pacific Ecozone.

Positibo ang pananaw ng nag-iisang kongresista ng probinsya na kung mabibigyan ng ayuda ang lugar magbibigay ito hindi ng kaunlaran sa turismo at karagdagang trabaho sa mga residente sa lugar.

Dagdag pa ng kongresista agrikultura at turismo ang malaki ang maiaambag sa pag-unlad ng lalawigan na dapat tutukan at bigyang pansin ng national government.

Gayunpaman, malaki ang pangangailangan hindi lang ng bayan ng Casiguran sa mga hotel.
Kapansin-pansin na mabibilang ang mga hotel na maaaring tuluyan ng mga turista.

Ang dahilan, kawalan ng sapat na kakayahan ng mga negosyante.

Related Post

This website uses cookies.