Lakbay Aral sa paggawa ng Vegie Noodles isinagawa ng mga mag-aaral sa Orani, Bataan

ORANI, Bataan (Eagle News) — Nagsagawa ng Lakbay Aral ang mga mag aaral ng Child Alikabok  Learning Center, Orani, Bataan  kasama ang kani-kanilang mga magulang sa pagawaan ng Vegie Noodles sa Barangay Tuyo, Balanga, Bataan. Pinangunahan ito ni Mr Leonardo David, Presidente ng Balanga Agrarian Reform Beneficiaries (BARB).

Ipinakita ang proseso ng paggawa ng kalabasa noodles. Mayroon din silang malunggay noodles na bukod sa masarap na ay healthy pang kainin dahil walang halong preservatives. Ang nasabing produkto ay mabibili lamang sa mga piling tindahan, sa mga trade fair o kaya ay made to order.

Natuwa naman ang mga bata lalo na ang mga magulang nila dahil nakita nila ang paraan ng paggawa ng nasabing produkto.

Courtesy: Josie Martinez

 

Related Post

This website uses cookies.