Lacson, sinuportahan ang pag-alma ng PNP sa tema ng ‘Ang Probinsiyano’

(Eagle News) — Habang tumatagal ay hindi na nagiging makatotohanan ang tema ng ‘Ang Probinsiyano’ lalo na sa pangit na pagganap sa mga pulis.

Ito ang sinabi ni Senador Ping Lacson nang hingian ito ng reaksyon kaugnay sa pagpalag na ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa pangit na larawan ng mga pulis sa sikat na teleserye.

Ayon sa Senador marami din siyang napansin na mga mali sa telenovela kaugnay sa pagganap ng mga karakter ng pulis at aniya parang may intensyon talaga na pasamain ang imahe ng PNP sa palabas.

“I support the move of PNP chief [Director General Oscar Albayalde]… Wag niyo namang masyadong pasamain ‘yung PNP kasi nagpipilit nga sila to lift ‘yung morale ng mga tao at credibility,” ayon kay Lacson.

“Maraming nanonood tapos ganun ‘yung makikita mong pag-portray sa PNP. I think, to say the least, it’s unfair to the PNP na i-portray nang ganun kasi hindi naman ganun,” dagdag nito.

Related Post

This website uses cookies.