(Eagle News) — Isasailalim sa DNA testing ang mga labi ng mahigit 30 na biktima ng sunog sa New City Commercial Corporation (NCCC) mall sa Davao City.
Ito ay para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.
Noong Lunes, ay nakuha ang mga biktima sa ikaapat na palapag ng mall kung saan matatagpuan ang SSI call center.
Karamihan sa mga nasawi ay empleyado ng SSI.
Hindi pa rin tiyak ang sanhi ng sunog.
Sinabi ni Fire Superintendent Joanne Vallejo, tagapagsalita ng Burea of Fire Protection (BFP), na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.