By: Eddie Ojano
Eagle News Correspondent
GUINOBATAN, Albay (Eagle News) – Suspendido na ang klase sa mga sa pampubliko at pribadong paaralan sa Camalig, Guinobatan, at Ligao City.
Ang abiso ay ipinalabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management na pinamumunuan ni Gov. AL Francis Bichara kaninang 9:00 ng umaga sa kaniyang Facebook account.
Ang suspensyon ay kaugnay ng patuloy na katamtaman at malakas na pagbagsak ng abo at ang patuloy na paggulong ng mga pyroclastic materials na naranasan kaninang umaga. (Eagle News Service)