Klase sa lahat ng antas sa Metro Manila, suspendido sa Nov. 16 at 17 dahil sa ASEAN Summit

METRO MANILA, Philippines (Eagle News) — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila mula Nov. 16 at 17.

Ito’y matapos aprubahan ng Metro Manila Council ang suspensyon  kaugnay ng 31st Association of Southeast Asian Nations summit na idadaos dito sa bansa.

Ang pasya sa suspensyon ng klase ay napagkasunduan sa isinagawang pulong ng Metro Manila mayors sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (mmda).

Layon din ng pulong ang pagtalakay sa mga posibleng solusyon para maibsan ang matinding pagisikip sa daloy ng traffic lalo na ngayong papalapit na ang holiday season.

Kabilang sa mga tinitignang solusyon ang posibleng pagpapatupad ng dalawang araw na number coding.

 

Related Post

This website uses cookies.