(Eagle News) – Sinuspinde na ng mga otoridad ang klase sa ilang lugar dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton.
Base sa anunsyo ng mga lokal na pamahalaan, suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa:
- Manito, Albay
- Donsol, Sorsogon
- Capiz
- Kawayan, Biliran
- Almeria, Biliran
- Biliran, Biliran
- Naval, Biliran
Samantala, wala namang pasok sa pre-school hanggang high School sa:
- Irosin, Sorsogon
- Magallanes, Sorsogon
- Barcelona, Sorsogon
Ang mga estudyante sa pre-school hanggang elementary naman ang walang pasok sa:
- Bulan, Sorsogon
- Casiguran, Sorsogon
Nagdeklara na rin ng suspensyon sa klase ang mga lugar sa Bicol dahil sa malakas na pag-ulan at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Officer ng Manito, Albay na si Joebert Daria, natabunan ng putik ang bahagi ng kalsada sa kanilang bayan kaya hindi na ito maaring daanan ng mga commuter.