Kim Wong, inilagay sa immigration watchlist

MANILA, Philippines — Inilagay na sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration (BI) ang negosyanteng si Kim Wong. Si Wong ang itinuturong bigtime junket operator na sangkot sa 81 million dollar money-laundering scam.

Ayon kay Immigration Spokesperson Nikki Reyes, inutusan sila ng Department of Justice (DOJ) na ilagay ang pangalan ni Wong sa kanilang watchlist.
Bagama’t malaya namang makalabas ng bansa si Wong, sinabi ni Reyes na kanila pa ring i-uulat sa DOJ ang anumang magiging aktibidad nito.

Una nang tiniyak ni Wong sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na wala siyang balak lumabas ng bansa kasabay ng pangakong ibabalik ang lahat ng perang ninakaw sa Bangladesh government. (Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.