Kalagayan ng ASG hostages, hindi pa tiyak

(Eagle News) — Hindi pa rin tukoy ng mga awtoridad ang kalagayan ng mga hostage victim ng rebeldeng Abu Sayyaf Group (hanggang sa oras na isinusulat ang artikulong ito).

Ito ay kaugnay ng ibinigay na deadline ng Abu Sayyaf (ASG) para sa hinihingi nitong ransom kapalit ng kalayaan ng mga biktima.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesman Maj. Filemon Tan, hindi pa aniya makukumpirma o maitatanggi ng militar ang report na sinasabing pinugutan na ng ulo ang isa sa mga hostages na si Robert Hall.Wala pa aniya silang tinatanggap na opisyal na impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga biktima.

Ayon naman kay Armed Forces spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, sinisikap aniya nilang makumpirma ang report na nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng ASG at pamilya ng mga biktima.

Matatandaang dinukot ng bandidong grupo ang mga dayuhang Canadian na sina Robert Hall at John Ridsdel at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad maging ang Pilipinang si Marites Flor sa Samal Island sa Daval del Norte noong Setyembre 2015.

Kaugnay nito, matatandaan ding pinaslang ng ASG ang isa sa mga nabanggit na hostages na si Ridsdel noong Abril 25 ng kasalukuyang taon.

 

Related Post

This website uses cookies.