Kakandidato bilang SK chairman, arestado matapos mahulihan ng baril

Ang suspek na si Junnel Vasquez, na tumatakbo bilang SK chairman habang itinuturo ang mga nakumpiska sa kaniya. /Dennis Revelo/Eagle News Service/

TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Arestado ang isang lalaking na tumatakbo bilang Sangguniang Kabataan chairman sa Barangay Carromata, San Miguel, Surigao del Sur matapos na mahulihan siya ng baril kamakailan.

Kinalala ang suspek na si Junnel Vasquez, 21 taong gulang, residente sa nabanggit na lugar.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng isinagawang operation na “Oplan Kapkap Bakal” ng mga personnel ng Tandag CPS sa pangunguna ni Chief Insp. Ray Sorreda sa Nicos Garden Park.

Nakumpiska mula kay Vasquez ang isang homemade na kalibre .45 na baril at isang magazine na kargado ng pitong bala.

Nang hanapan ang suspek ng anumang dokumento ukol dito ay wala itong maipakita.

Ayon kay Vasquez, siya ay miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na nakabase malapit sa kanilang lugar.

Ang suspek at ang mga nakumpiska mula sa kaniya ay nasa kustodiya ng Tandag City Police Station. Dennis Revelo

Related Post

This website uses cookies.