Isang pulis patay, anim pang ibang pulis sugatan sa ambush sa Camarines Norte

Ang police vehicle na na-ambush at tinamaan ng land mine pati ang nadamay ng motorsiklo sa Labo, Camarines Norte (Eagle News)

LABO, Camarines Norte (Eagle News) — Patay ang isang pulis at sugatan naman ang anim pang pulis na kasama niya nang tambangan ng mga di pa nakikilang armadong grupo sa Sitio Binuang, Bayan ng Labo, Camarines Norte noong ala-1:00 ng madaling araw ng Sabado.

Kinilala ang agad na namatay na si PO2 Richard Abad, at ang anim na sugatan na sina PO2 Ronald Gutierrez, PO1 Pedro Valeros, PO1 Johnson Espana, PO1 Romar Umandap, PO1 Ericson De Vera at PO1 Jeffrey Tarrobago na pawang nakadestino sa Camarines Norte Police Provincial Office.

Tumilapon sa gilid ng daan ang sinasakyang police vehicle sanhi ng pagsabog ng land mine na inilagay sa gitna ng daanan.

Pati na ang isang motorcycle rider ay nadamay din subalit nagtamo lamang ng minor injuries.

Tinutugis na ng mga tauhan ng Philippine Army at ng Camarines Police ang mga armadong grupo na may kagagawan ng pananambang.

Hinihinalang mga rebeldeng grupong kasapi sa New People’s Army ang nasa likod ng pananambang.

(Orlando Encinares – Eagle News Correspondent)

Related Post

This website uses cookies.