Isang Pilipina, patuloy na nawawala sa nasunog na Grenfell Tower sa London

Photo captured by Eagle News London Correspondent, Josefina Cesa

Eagle News — Patuloy pa ring hinahanap ng mga owtoridad ang isang 60-anyos na Pilipina na nawawala matapos masunog ang isang high-rise residential building sa London nitong Miyerkules, Hunyo 13.

Ayon kay Sen. Joel villanueva, napa-ulat na nawawala ang ginang na nakilalang si Ligaya Moore sa nangyaring sunog na tumupok sa Grenfell Tower.

Si Moore ay mag-isang naninirahan sa 21st floor ng apartment building na may 27 palapag. Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na may mga Pilipinong nasugatan sa nasabing sunog.

Related Post

This website uses cookies.