Isang paaralan sa Bataan, nakatanggap ng bomb threat

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Isang text message umano ang natanggap ng isang guro na pasasabugin ang isang paaralan sa Tomas del Rosario sa siyudad ng Balanga, Bataan sa pamamagitan ng isang bomba.

Ang nasabing guro ay nakilalang si Ms. Mikee Diego, 20 taong gulang, naninirahan sa Barangay Sta Rosa, Pilar, Bataan, Grade 8 teacher ng nasabing eskwelahan.

Agad naman niya itong naireport sa mga awtoridad. Agad din rumisponde ang Balanga CPS, Balanga CPSO, BFF at Bataan EOD at nagsagawa ng imbestigasyon at paneling.

Kinansela naman agad ng presidente ng TDEL ang klase at pinauwi lahat ng mga estudyante, mga guro at staff ng paaralan at sinabing magsasagawa ng earthquake drill para hindi matakot o magkaroon ng confusion sa mga ito.

Isinagawa ang bomb paneling ng miyembro ng Bataan EOD sa loob ng eskwelahan pero walang natagpuang bomba. Patuloy na nagiimbestiga ang mga kapulisan para ma-trace ang nagpadala ng text tungkol sa bomb threat.

Josie Martinez – EBC Correspondent, Bataan

Related Post

This website uses cookies.