Isang paaralan ng elementarya ninakawan sa Bislig City, Surigao del Sur

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Pinasok ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang eskwelahan ng Maharlika Elementary School sa Brgy. Maharlika, Bislig City, Surigao del Sur.

Sa inisyal na imbestigasyong ginawa ng Bislig City Police Station (BCPS) niransak ng mga suspek ang padlock ng Computer Laboratory Room ng nasahing paaralan. Natangay ng mga suspek ang pitong computer monitor at isang multi-media speaker.

Tinatayang aabot sa P60,000.00 ang halaga ng mga natangay ng mga suspek. Kasabay nito ay pinasok din ang isang classroom ng Grade 3 sa loob din ng nasabing paaralan.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon upang malaman ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur

This website uses cookies.