Isang helicopter ng Philippine Air Force ang bumagsak sa Cabayugan, Puerto Princesa, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Bumagsak ang isang helicopter ng (WESCOM) Western Command sa Sitio Sabang, Brgy. Cabayugan, Puerto Princesa, Palawan na may 76 kilometro ang layo sa sentro ng lungsod.

Ayon sa mga nakasaksi ganap na 5:00 ng hapon, nitong Martes, November 8, 2016 bumagsak ang helicopter na ikinagulat ng mga mamamayan. Ang 13 sakay na mga pulis ay nagtamo ng  injuries at masuwerte naman na walang naiulat na namatay. Agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga sakay ng helicopter. Ang isa sa itinuturong dahilan ng pagbagsak ay overload.

(Jimmy Asenero – EBC Correspondent, Palawan)

Related Post

This website uses cookies.