MANILA, Philippines (Eagle News) — Activated na ang mga incident command center sa mga lalawigan ng Surigao at Agusan para sa agarang pagtugon sa mga kakailanganin ng mga residenteng maaapektuhan ng paghagupit ng bagyong Vinta.
Ito ay matapos isinailalim sa storm signal number 1 at 2 ang mga nasabing lalawigan.
Nagpatawag na rin ng emergency meeting sa Butuan si Mayor Ronnie Vicente Lagnada sa mga empleyado ng City Disaster Risk Reduction and Management Council upang masigurong walang maitatalang casualty sa pagdaan ng bagyo.
Inatasan na rin ng alkalde ang Information Office ng Butuan City Hall na siyang magbibigay ng tamang mga impormasyon sa media men kaugnay sa updates ng nasabing bagyo.