Implementasyon ng Hi-5 o High Impact 5 ng DOH tiniyak na magiging aktibo sa Bicol

Handang-handa na umano ang Department of Health (DOH) sa Bicol Region upang tiyakin na magiging matagumpay ang inilunsad nilang programa na Hi-5 o high impact 5.

Layunin ng proyektong ito na mapababa ang mga kaso nang pagkamatay ng mga ina at sanggol, labanan ang paglaganap nang sakit na HIV/AIDS, Malaria at iba pang uri ng sakit.

Isa pa sa layunin ng Hi-5 o High impact ay ang lalo pang pagpapalakas sa maternal health at pagpapababa ng infant mortality rate sa nasabing rehiyon.

(Eagle News Service Jay Paul Carlos, Jericho Morales, MRFaith Bonalos)

Related Post

This website uses cookies.