Ilang mangingisda na nawala sa kasagsagan ng bagyong “Vinta,” na-rescue sa Tawi-tawi

Ang ospital na pinagdalhan sa mga natagpuang mangingisda (All photos c/o Jack Badidil, Iddie Badidil Adjah at Mapun MDRRMC)

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan  – Umabot sa 75 mangingisda ang na-rescue ng Mapun Coastguard nang manalasa ang bagyong Vinta noong Sabado, Disyember 23 sa karagatang sakop ng Tawi-tawi.

Una nang naiulat na ilang lantsa ang lumubog at ilang mangingisda ang nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo sa Balabac, Palawan.

Ayon sa inilabas na ulat ng Mapun MDRRMC, ang mga mangingisda na napadpad sa Mapun, Tawi-tawi ay dinala sa Cagayan de Tawi-tawi District Hospital upang malapatan ng lunas at dalawa umano sa mga ito ang namatay.

Upang matukoy naman ng mga kaanak ang mga survivor na kasalukuyang nasa pagamutan ay nagpalabas ng unofficial list of shipwrecked survivors ang Integrated Provincial Health Office ng Tawi-tawi.

Humihingi sila ng tulong upang maiparating sa mga pamilya ng mga mangisngisda ang kanilang kalagayan at kinaroroonan.

Name of survivors:

  • Roger Almonte – Puerto Princesa City
  • Samuel dela Cruz- Rizal, Palawan
  • Jaymark Portunato – Rizal, Palawan
  • Ajie Adan Totoh- Mangsee, Balabac
  • Jorge Delgado – Rizal, Palawan
  • Samuel Banceto – Quezon, Palawan
  • Hji Otong Jain – Mangsee,  Balabac
  • Joseph Jimenez – Puerto Princesa City
  • Anasit Sarabi – Mangsee, Balabac
  • Jerry Desamito – Narra, Palawan
  • Hji Adan Wjaidiz – Mangsee, Balabac
  • Marali Sunnang – Mangsee, Balabac
  • Aljason Usman – Marabon, Palawan
  • Japeth Bancuto – Mangsee, Balabac
  • Arsenio Servicada – Rizal, Palawan
  • Tongdiki Ara – Mangsee, Balabac
  • Randy Salvador – Rizal, Palawan
  • Celso Inojo – Española, Palawan
  • Romel Martinez – Rizal, Palawan
  • Edison Oyo-a – Riotuba, Palawan
  • Wilfredo Martinez – Rizal, Palawan
  • Adin-aji Langkuya – Mangsee, Balabac
  • Robin Donpay – Quezon, Palawan
  • Merson Diaz – Balabac, Palawan
  • Argen Muñez – Puerto Princesa
  • Jerry Regala – Quezon, Palawan
  • Rolie Maramara – Rizal, Palawan
  • Aroy Serbano – Palawan
  • Arnold Garcia – Brookes Point
  • Edwin Alas – Balabac, Palawan
  • Emmanuel Regala – Rizal, Palawan
  • Adan Berdun – Balabac, Palawan
  • Adzmar Laot – Balabac, Palawan
  • Ibrahim Aprihaldo – Taytay, Palawan
  • Benjie dela Serna – Rizal, Palawan
  • Bobby Jr. Dela Serna – Rizal, Palawan
  • Bobby Sr. Dela Serna – Rizal, Palawan
  • John Mark Bidano – Rizal, Palawan

Para naman sa iba pang impormasyon kaugnay sa mga survivor na mangingisda ay maaaring makipag-ugnayan sa Mapun MDRRMC o tumawag kay Mapun MDRRMO Abdelnasser Gregana sa cellphone number 09979481108. (Anne Ramos, Eagle News Service)

 

 

Related Post

This website uses cookies.