(Eagle News) — Sumugod sa House of Representatives ang mga miyembro ng mga magsasaka, rice retailers at mga empleyado ng National Food Authority (NFA).
Tinututulan ng mga ito ang pag-apruba ng kamara sa Rice Tariffication Bill na umano’y papatay sa mga magsasaka at rice retailers.
Anila, unti-unting mamatay ang local rice industry sa oras na maging batas ang Rice Tariffication Bill dahil babaha ng imported na bigas sa bansa.
Ang Rice Tariffication Bill din anila ang magiging daan sa pagbuwag sa NFA.
Rice Tariffication Bill, ipinababasura
Nanawagan din ang mga ito sa mga kongresista at senador na ibasura sa halip na ipasa ang nasabing bill dahil hindi naman ito sagot sa supply ng bigas sa bansa.
Wala rin anilang katiyakan kung mananatiling mababa ang presyo ng bigas sa world market.