Iglesia Ni Cristo magsasagawa ng Lingap sa Mamamayan sa South Cotabato

COTABATO, Southeast — Abalang-abala ngayon sa paghahanda ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa Distrito ng Cotabato Southeast para sa isasagawang Lingap sa Mamamayan sa Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato sa darating na Mayo 27.

Daang-daang sako ng bigas ang inihahanda na pinagtutulungang i-repack ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa dakong ito. Matatandaan na matagumpay na naisagawa ang lingap sa naturang barangay noong buwan ng Enero na kung saan ay libu-libong kababayan nating mga Lumad ang nabiyayaan.

Patunay ito na handang i-abot ng Iglesia ang pagtulong saan mang dako, maging sa liblib na lugar o sa kabundukan na mahirap abutin ng kabihasnan.

(Eagle News Danilo Tejada, Koronadal City Correspondent)

 

 

Related Post

This website uses cookies.