(Eagle News) — Hindi mismo sinunod ng New People’s Army (NPA) ang idineklara ng grupo na holiday ceasefire noong Disyembre 25.
Ito ay dahil sa mismong ng araw na iyon nang atakihin ng mga rebelde ang Macaingalan Patrol Base sa Barangay Puray sa Rodriguez, Rizal, ayon kay Philippine Army 202nd Infantry Brigade Commander Brigadier General Arnulfo Burgos Jr.,
Isang miyembro ng CAFGU Active Auxiliary ang sugatan sa naging engkwentro.
Una nang nagdeklara ng temporary ceasefire ang CPP –NPA habang hindi naman ito tinapatan ng pamahalaan.