Human Monogram isinagawa ng mga kaanib ng INC sa Pangasinan

POZORRUBIO, Pangasinan (Eagle News) – Dinagsa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang Florencio Buen Sports Center sa Pozorrubio, Pangasinan noong biyernes, October 14, 2016. Madaling araw pa lamang ay nagsidatingan na ang mga miyembro upang isagawa ang pagbuo ng Human Monogram na “Ikinararangal ko na ako ay Iglesi Ni Cristo, Pangsinan East”.

Tinatayang aabot sa 3,000 katao ang bumuo sa ginawang human monogram. Bahagi aniya ito sa mga aktibidad na isasagawa ng mga kaanib ng INC bilang paggunita sa nalalapit na kaarawan ni INC Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo.

Juvy Barraca – EBC Correspondent, Pangasinan East

Related Post

This website uses cookies.