Hinihinalang “top 2 drug personality” sa Calbayog City, pinagbabaril

 

 

 

SAMAR, Philippines (Eagle News) — Isang lalaki  na nagngangalang Allan Villar Y Prudencio , 45, taong gulang, may asawa, at grade VI Math Teacher sa Brgy. Talahid Almagro, Samar ang pinagbabaril sa Gomez St. Brgy Aguit-itan, Calbayog City ng hindi nakikilalang salarin lulan sa isang motorsiklo.

Sa inisyal na imbistigasyon ni SPO3 Mariano C. Fermilan at SPO1 Moises C. Bracamonte,  ang biktima ay sinsabing top 2 “drug personality” sa Calbayog.

Narekober din ng SOCO mula sa crime scene ang walong (8) pirasong fired cartridges ng kalibre .45 at dalawang deformed slugs.

Bagamat naitakbo pa ang biktima sa Calbayog City General Hospital, idineklara na itong “dead on arrival” ng doktor na tumingin sa kanya  na si Jed Palomo  bunga ng  marami nitong tama ng baril sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang pinangyarihan ng krimen ay may isang kilometro lang ang layo nito sa Calbayog Police Station.

(Randy Flor, Miriam Timan, Eagle News Samar correspondents)

 

Related Post

This website uses cookies.