Hinihinalang sinkhole, natagpuan ng mga residente sa Bulan, Sorsogon

Municipal Disaster RIsk Reduction and Management Office-Bulan

BULAN, Sorsogon (Eagle News) – Isang hinihinalang sinkhole ang natagpuan ng mga residente sa kabundukan ng Barangay Calpi, Bulan, Sorsogon.

Ito ay may tinatayang lalim na pitumpu’t-limang talampakan o katumbas ng tatlong palapag na gusali.

Nagdulot ito ng malawak na pagguho ng lupa at pagkasira ng mga kakahuyan sa paligid.

Binisita ito ng mga taga-disaster risk reduction management office ng Bulan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente na halos isang kilometro lamang ang layo mula sa pinakamalapit na kabahayan.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang pagdating ng mga taga-Mines and Geosciences Bureau sa lugar upang matiyak kung ito nga ay isang sinkhole.

 

Related Post

This website uses cookies.