BORACAY, Philippines (Eagle News) — Aminado ang Boracay Foundation Inc. (BFI) na ang unfinished drainage system ang dahilan ng water pollution sa Boracay Island.
Ayon kay Nennette Aguirre-Graf, presidente ng BFI, dinisenyo ang mga drainage system para kontrolin ang pagbaha sa isla ngunit ang masaklap, ginamit na itong tapunan ng dumi ng ilan sa mga residente at establisyemento doon.
Paliwanag ni Graf, nagagamit sa hindi tamang paraan ang mga drainage canal sa Boracay dahil gawa lamang sa hollow blocks ang ilang bahagi nito.
Giit ni Graf, walong taon na ang nakalilipas nang ipanawagan nila sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na ayusin at tapusin na ang ginawa nilang drainage system, ngunit hindi aniya ito inaksyunan.