Hero’s welcome ibinigay ng mga Ormocanon kay IBF Flyweight World Champion Johnriel Casimero

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Laking tuwa ang mga Ormocanon sa pag-uwi ng itinuturing nilang hero na si Johnriel Casimero. Ito ay dahil isa na namang napakalaking karangalan ang dala nito bilang pasalubong para sa kaniyang mga kababayan.

Itinanghal si Johnriel “Quadro Alas” Casamero, 26 taong gulang, tubong Ormoc City, Leyte bilang IBF Word Flyweight Champion sa kaniyang laban noong Linggo, ika-11 ng Setyembre 2016 sa 02 Arena, London laban sa kaniyang katunggaling isang british na si Charlie Edwards.

Bagama’t ang laban ay sa hometown ng kaniyang kalaban subali’t hindi ito nakahadlang sa kaniyang tagumpay. Ayon kay Casimero ang nagpalakas ng kaniyang loob at naging inspirasyon sa nasabing laban ay sold out ang venue at naging motibasyon din sa batang boksingero ang kaniyang pagnanasa na makakaharap o makakalaban ang tinataguriang number one pound-for-pound boxer ngayon na si Roman “Chocolatito” Gonzales

Dahil dito ay binigyan siya ng hero’s welcome kaninang umaga ng mga ormocanon at bahagi ng aktibidad ay nagmotorcade kasama ang boxing hero ng lunsod paikot sa city proper. Dumalaw din siya sa city hall upang mag-courtesy call.

Courtesy: Kimberly Urboda

Related Post

This website uses cookies.