(Eagle News) — Patuloy na nagpapaalala ng mga eksperto sa publiko sa pagbili ng malinis at ligtas karne sa mga pamilihan.
Ayon kay Dr. Ana Marie Cabel, City Veterinarian ng Quezon City, laganap pa rin sa pamilihan ang mga tinaguriang mishandled meat.
Ito ay nangangahulungang hindi tama ang pag-iimbak at pagsalansan sa mga ito.
Paliwanag ni Cabel, ang frozen meat ay dapat na nasa chiller lang, kapag daw ito ay inilabas sa chiller, malaki ang posibilidad na ito ay magkaroon ng kontaminasyon.
Binigyang diin ni Cabel na madaling malaman kung ang karne ay nabibilang sa mishandled meat.
Kailangan daw na obserbahan kung ito ay matubig o malangis, malamig, at may mabahong amoy kumpara sa sariwang karne na mamula-mula at walang amoy.
Dagdag pa ni Cabel, kapag nakakain ng mishandled meat ang isang tao, maaaring makaranas ng pananakit ng tiyan at vomiting.
Huwag itong ipagwalang bahala at kailangan umanong dalhin agad sa pinakamalapit na ospital o health facility ang pasyente upang agad na maagapan ang nararamdaman. (Eagle News Service Belle Surara)