Hans Leo Cacdac, nagsimula na sa posisyon bilang bagong OWWA Chief

MANILA, Philippines (Eagle News) — Itinalaga bilang bagong administrator ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA si dating Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief Hans Leo Cacdac.

Pinalitan ni Cacdac si Rebecca Calzado.

Si cacdac ang pinakabatang naging administrator ng OWWA.

Naging bahagi rin siya sa repatriation team ng owwa para sa mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na naapektuhan ng krisis sa Saudi Arabia.

Sinuguro naman ni Cacdac na laging handa ang OWWA na magbigay ng tulong sa mga OFW at sa kanilang mga pamilya may krisis man o wala.

 

Related Post

This website uses cookies.