Halos 16,000 pasahero, stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Usman

(Eagle News) — Umabot na sa 15,788 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Usman.

Ayon sa Philippine Coast Guard, hindi rin nakabiyahe ang 1,464 rolling cargoes, 114 barko at 24 motorbanca dahil sa masamang panahon.

Pinakamarami sa naitalang stranded na pasahero ay mula sa mga pantalan sa Bicol na 5,047, pangalawa ang Eastern Visayas na kabuuang 5,017, sumunod ang Southern Tagalog na 1,733 pasahero, ikaapat ang Central Visayas na 1,164 at panglima ang National Capital Region na may 1,049 stranded passengers.

Una nang kinansela ng PCG ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na apektado ng Usman.

Sa abiso ng PCG, hindi pinapayagang makabyahe ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat patungo at mula sa Sorsogon, Masbate at Ticao Island, Gayundin sSa Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northen Cebu at Camotes Island sa Visayas pati na sa Dinagat Island at Surigao Del Norte.

Related Post

This website uses cookies.